Oh yes the meatshop days.
THE IG: Tish Mando Charm DL Me (on our way to Class in Chickenboy)
This is my rally attire when I was the kaladkarin and tambay sa pub na hindi edboard of Matanglawin. And again, my point, Mandybelles.
Non-college na kami nito so si Mando sabog na talaga. hehehe. Last gig of Monkeyspank (yes, we are the AliFrias fan club officers)
4. Cine Europa in Shangri-La makes me happy.
5. Malacanang cabinet meetings = fun!! especially that I get to be "ahead" of the news. Milca and I were in our happy mode last Cabinet Meeting, thus:
That picture of the Gloria is actually made of precious stones from some country/ies.
Sinakto namin na walang tao, nakakahiya ksi magpicture-taking dun as if mga turista kame.. hehehe.
6. I love the following right now:
a.) Gossip Girl (the tv series, NOT the novels)
b.) The Secret Diary of A Call Girl (based on The Intimate Adventures of a London Call Girl by Belle de Jour)
c.) Still loves Anthony Taberna in the morning when I wake up, when he drives me to work and drives me home from work)
d.) Cine Europa in Shangri La, Kimchi, Chowking and my inspiration who's now so busy with his school requirements.
e.) Can You Keep A Secret by Kinsella, The Time Traveller's Wife, and of course my beloved hp Laserjet 1200 Series Printer and my unending provider of bookZ. You know who you are. Thanks much.
f.) The 8am news in Umagang Kay Ganda, usually about road accidents which occurred the madaling araw before.
g.) Im loving that I haven't been spending (almost) anything the past few days, (well basically because I paid almost half a month's salary to my my rent seeking landlords for the Deposit and Churvanesses when I moved to a relatively bigger apartment.
h.) My pink blazer and my yellow blazer.
i.) Earphones in the office. *wink *wink
j.) (milk) tea.
7.) Again, because I don't go out anymore, I take pictures of myself at home:
This is my tired face without make-up. Parang before and after ng Ponds Whitening System.
8.) I'm happy I can multiply here in the office.
9.) I think I may have lost my beloved SM Advantage Card; I'm finally getting my Rustans Fresh Card.
10.) I will have to get back to work now. Aerated Chocolate, anyone?? =)
From Left to Right 1. Adel (who is leaving us for US-AID by friday. 2. Francis 3. Cynthia, my love 4.Me 5.Viveca 6. Ishmael, the secretary of our Director 7. ronald (Whose first day was when this ws taken.) and 8. Director Agnes Catherine, our boss.
One of our meeting-turned-lunch affairs here in the office. =)
The following shall be a proof of how messy my work area is. (Actually naayos ko na yang lagay na yan). And I really do have to make an effort to make it pleasing to the eye. hehe (Dahil nasabihan..Buti na nga lang wala pa dyan yung mga pagkain ko, at mga personal things. hehe)
The non-blank areas behind my chair were once posted with delivery brochures from different restaurants, with campaign materials from the May elections, with maps of different places such as Makati, the Region of Zamboanga (which looks like a penis), and the country -- in short, a very messy sight. From afar ang gulo nga ng hitsura nun dati, kaya tinanggal ko na -- Nakakamiss lang si Pichay.
The door on the left is the Office of Director Agnes. The desk nearest mine is her Secretary Ishmael's work area. The filing cabinet behind me separates his work area from mine (Pwedeng mag-ballroom dito sa luwag e). See the messy (unfiles) files underneath the printer.
Gusto kong ipakita sa larawang ito na sa itaas ng cabinet ko nilalagay yung files ko. Gusto ko kasi hindi na ako tumatayo (kaya lumalaki ang tiyan) at gusto ko malapit lang sa akin yung mga files ko (halo-halo kasi kaya ganyan)
Again, highlighting the mess. At apparetly e meron pang mga 5.25 diskettes dito!
A few hours bago ito pikturan, mas maraming nakatambak dito na mga gamit ko (i.e, slippers, shoes, food, bags, trash) Office supplies are inside the box in the "hard copy" box in the photo above. The seeminglysocecerball ashtray was a prize for winning the "Imeldific"Award here in the Office in the last Office Anniversary.
Nakikita nyo yung mga kurdon-kurdon? May mga pets kami na nandyan. The fish tank is the house of the MPU pet. Inside this mobile drawer: FOOD!
My things to do, to read, to write. Pero nababawasan ba ang mahihirap sa pilipinas? (And of course my beloved bag)
Ito yung mga pending na sobrang tagal na. As in nabaon na sa limot. (Kaya hindi maganda ang papalit-palit ng administration)
____________
Kahit buong buhay ko pagayusin ko ang trabaho ko, palagay ko mahirap pa rin ang Pilipinas. Kailangan natin ng Presidente na hindi lang pang-press release ang poverty alleviation (dahil kailangan talaga ng Political Will para dito) Kailangan bawat tao magkaroon ng preferential option for the poor (dahil hindi malalabanan ng isang tao ang kahirapan, kundi ng isang nation)
Churva.
Maglilinis na nga ako.
NAKAW Mula kay Danlourd:
Namimiss ko ang pag-aaral bilang kabuuan at ang kaakibat nitong kung anu-ano
Ang walang katapusan pagpapa-photocopy ng mga librong ayaw bilhin
Pati na rin ang pagpapa-photocopy ng notes ng iba
Ang pangongolekta ng syllabus, ang free cut dahil walang ang prof
Ang pagshoshorts, pagsasando at pagtsitsinelas halos araw araw
Ang mga nakatatamad na tatlong oras na subjects
Ang pagsusulat ng mga papel, papers, projects at pagmememorya para sa orals
Ang paghahanda sa mga exams, pagbili ng blue book at panghihingi ng yellow paper
Ang pagtambay at pagtulog sa Gonzaga, sa bahay ng Matanglawin
Ang org events mga mob, mga pagtitipon kasama ang orgmates
Ang pagpasok ng late, ang katamarang pumasok na nauuwi sa pagka-cut
Ang pagkagulantang sa surprise quiz at minsan pa'y recitation
Ang pagtambay sa pocket garden at pagsusunog ng baga dahil sa yosi
Ang paglalakad dahil from pole to pole ang classrooms ng magkasunod na klase
Ang pag-iinom sa Chicken boy, umaga tanghali, gabi hanggang madaling araw
Ang pagpasok ng lasing sa klase, nangangalingasaw ang amoy ng alak at yosi
Ang enrollment na nakakapagod, ang random number na swertihan talaga
Ang pakikipag-usap sa mga prof para lang makapasa o pagbigyan ng isa pang pagkakataon
Ang panonood ng mga plays, ang pagsali sa mga ito at sa libreng pagkain kapag gayla night
Ang hell week na putangina talaga dahil tila nasa impeyerno ka sa dami ng gagawin
Ang pagkalimot sa nakatakdang final exam o orals, incomplete na grado
Ang pagpila nang mahaba para malaman mo lang na mababa ang marka mo
Ang tatlo o apat na oras na break, na hindi alam kung saan gagamitin
Ang pagsali sa org at hindi pagsipot dito dahil boring ang mga tao
Ang pagiging beadle (tama ba ang spelling?), na hindi ko nagampanan
Ang modified true or false, modified multiple choice at modified identification sa exams
Ang mga presentation gamit ang powerpoint, videos, powerpoint at powerpoint
Ang sandamukal na readings sa philo, theo at sa mga majors
Ang lahat lahat nang nangyari sa akin nung kolehiyo
Namimiss kong lahat iyon, maganda man o pangit, masaya man o malungkot
Akala ko pagka-graduate ko magiging malaya na ako sa pananakal ng college
Sa mga deadlines nito, lahat ng gagawin ay nakatakda sa kalendaryo
Ang cuts ay binibilang at hindi ka maaaring sumobra kundi bagsak ka
Akala ko mas masaya ang buhay may trabaho kaysa pag-aaral
Mali ako, mas lalong demanding, nakaka-pressure, ang real world
Lalo ko tuloy namimiss ang pag-aaral at ninanais na mag-aral na lang muli
----------------------------------------------
Nagpunta sa Baguio nang biglaan at walang plano. Basta lang sumakay sa bus. Walang dalang damit, hindi alam kung saan matutulog. (And I should do this more often).
Dahil SONA today, naalala nyo yung tatlong BAngkang Papel Boys? Heto na sila ngayon: Sina Erwin at Jomar. Sa NAPC Anniversary ito kuha. At shempre pa-picture ako sa kanila. =)
-----------------------------------------------------
Ilan sa mga litrato nung nagkitakita kami ng mga kabarkada ko nung Highschool sa St. Paul Pasig nung nakaraang Biyernes (20 July 2007). Sa bahay nina Jinky sa Katipunan kami nagkwentuhan. KFC Chicken at Sapin-sapin ang kinain ko.