Tuesday, July 24, 2007

Anniversary ng Pagttrabaho ko ngayon. 24 July 2007

 

NAKAW Mula kay Danlourd:

Namimiss ko ang pag-aaral bilang kabuuan at ang kaakibat nitong kung anu-ano

Ang walang katapusan pagpapa-photocopy ng mga librong ayaw bilhin

Pati na rin ang pagpapa-photocopy ng notes ng iba

Ang pangongolekta ng syllabus, ang free cut dahil walang ang prof

Ang pagshoshorts, pagsasando at pagtsitsinelas halos araw araw

Ang mga nakatatamad na tatlong oras na subjects

Ang pagsusulat ng mga papel, papers, projects at pagmememorya para sa orals

Ang paghahanda sa mga exams, pagbili ng blue book at panghihingi ng yellow paper

Ang pagtambay at pagtulog sa Gonzaga, sa bahay ng Matanglawin

Ang org events mga mob, mga pagtitipon kasama ang orgmates

Ang pagpasok ng late, ang katamarang pumasok na nauuwi sa pagka-cut

Ang pagkagulantang sa surprise quiz at minsan pa'y recitation

Ang pagtambay sa pocket garden at pagsusunog ng baga dahil sa yosi

Ang paglalakad dahil from pole to pole ang classrooms ng magkasunod na klase

Ang pag-iinom sa Chicken boy, umaga tanghali, gabi hanggang madaling araw

Ang pagpasok ng lasing sa klase, nangangalingasaw ang amoy ng alak at yosi

Ang enrollment na nakakapagod, ang random number na swertihan talaga

Ang pakikipag-usap sa mga prof para lang makapasa o pagbigyan ng isa pang pagkakataon

Ang panonood ng mga plays, ang pagsali sa mga ito at sa libreng pagkain kapag gayla night

Ang hell week na putangina talaga dahil tila nasa impeyerno ka sa dami ng gagawin

Ang pagkalimot sa nakatakdang final exam o orals, incomplete na grado

Ang pagpila nang mahaba para malaman mo lang na mababa ang marka mo

Ang tatlo o apat na oras na break, na hindi alam kung saan gagamitin

Ang pagsali sa org at hindi pagsipot dito dahil boring ang mga tao

Ang pagiging beadle (tama ba ang spelling?), na hindi ko nagampanan

Ang modified true or false, modified multiple choice at modified identification sa exams

Ang mga presentation gamit ang powerpoint, videos, powerpoint at powerpoint

Ang sandamukal na readings sa philo, theo at sa mga majors

Ang lahat lahat nang nangyari sa akin nung kolehiyo

Namimiss kong lahat iyon, maganda man o pangit, masaya man o malungkot

Akala ko pagka-graduate ko magiging malaya na ako sa pananakal ng college

Sa mga deadlines nito, lahat ng gagawin ay nakatakda sa kalendaryo

Ang cuts ay binibilang at hindi ka maaaring sumobra kundi bagsak ka

Akala ko mas masaya ang buhay may trabaho kaysa pag-aaral

Mali ako, mas lalong demanding, nakaka-pressure, ang real world

Lalo ko tuloy namimiss ang pag-aaral at ninanais na mag-aral na lang muli

----------------------------------------------

 

Monday, July 23, 2007

Baguio Trip

Magandang Igorota ako.
 

 

Nagpunta sa Baguio nang biglaan at walang plano. Basta lang sumakay sa bus. Walang dalang damit, hindi alam kung saan matutulog. (And I should do this more often).

 

Random Stuff

 

 

Dahil SONA today, naalala nyo yung tatlong BAngkang Papel Boys? Heto na sila ngayon: Sina Erwin at Jomar. Sa NAPC Anniversary ito kuha. At shempre pa-picture ako sa kanila. =)

 

 

-----------------------------------------------------

 Ilan sa mga litrato nung nagkitakita kami ng mga kabarkada ko nung Highschool sa St. Paul Pasig nung nakaraang Biyernes (20 July 2007). Sa bahay nina Jinky sa Katipunan kami nagkwentuhan. KFC Chicken at Sapin-sapin ang kinain ko.

 

Ako, Domeng, Jinky, RB, Yna
------------------------------------------

Nagpunta kami ni Mike sa pinsan nyang dentista nung Sabado. Violet ang paboritong kulay ng pinsan nyang grabe sa dami ng kwento, kaya buong bahay, pati ang dental chair violet! Ako ang may iniindang wisdom tooth, pero sya ang nabunutan. Wawa.
 
 
 
 
 
 
 
 
-----------------------------------------------
Mic, Kapi, Oshti, Ako, Mike, Leo, PJ
bahay ni Oshti sa Katipunan
Pagkagaling ko sa High School Friends nung Biyernes, sumunod naman ako kay Mike sa despedida ni Oshti. Aalis na kasi sya. mag-aaral na sya ng mga Airplanes sa ibang bansa. Mamiss ko sya, at ang mga pagtatalo namin/pangdadaot nya sa trabaho ko/pinagttrabahuhan ko. Mamimiss ko rin yung pagiging masaya ni Mike kapag galing sya sa asawa nyang si Oshti.