Tuesday, June 24, 2008

Mag-asawa na yata kami

  1. Hindi pa nya ako pinaiiyak. Ever. (Maliban na lang kapag PMS-moodswings ako na ako ang nang-aaway tapos ako rin ang iiyak. Pero buntis ako maswerte sya na hindi ko siya inaaway, ibang moodswings naman.)
  2. Lahat ng hinihingi ko binibigay nya. (Sa tamang panahon) Tulad ng Calendar nung 2006, tulad ng baby namin, tulad ng susunod na bote ng beer na iinumin ko.
  3. Pinaglalaba nya ako ng mga damit. (Nung nasa apartment pa lang ako sa Katipunan, hanggang ngayong asawa ko na sya. Sana pati iron ng clothes.)
  4. Dependent nya ako. College pa lang kami – sa thesis nung 4th year, sa mga homework sa Stat at sa pagpirma para sa akin sa Sci10, sa groupworks na kaklase  namin yung anak ni Rudy Fernandezsa, at hanggang ngayon pati sa Philhealth at SSS nya.
  5. Paglalakarin nya ako nang malayo at pasasakayin sa jeep kahit na alam nyang hindi ako nagcocommute at hate ko talagang maglakad (thus the stilettos, pero bawal pa til i give birth). Pero dadalhin nya ako sa mga lugar na pang-date na hindi mall, hindi motel, kung hindi mga lugar na like nyang lakarin. (At dati e nagkasakit sya sa tenga. Coding yata ako nun kaya sumama ako sa kanya pauwi sa kanila. Pinaglakad nya ako sa malayong nilalakad nya papuntang bahay nila sa North Susana sa kainitan ng araw pero ok lang kasi alam kong kailangan kong magpursige sa panliligaw sa kanya.)
  6. May weird sleeping position kami na pag nakita mo e parang hindi kami, o hindi kami mag-asawa. Alam ni Faith ito dahil nakasama ko sa apartment si Faith ng ilang buwan.
  7. Parati nya akong ipagpapalit sa mga libro at sa library nya.
  8. Nagpapanggap syang hindi sweet. Well, hindi naman talaga.
  9. Adik maglinis ng bahay si Mike parang si Nanay.
  10. Kukwentuhan nya ako ng mga tungkol sa History kahit na alam nyang di ko naman maaalala yun bukas.
  11. Again, maglalakad sya nang napakalayo (para sa standards ko), at magcocommute nang napakaraming sakay para mapuntahan ako. Pero ngayon mukhang mas masaya ako na iisa na lang ang inuuwian namin. Nagkatotoo nga ang hula kong mapapagod rin syang puntahan ako sa bahay namin sa Pasig – kinuha na ako dun tapos binahay na.
  12. Dati, may budget raw sya na 10 text messages sa isang araw para sa isang buwan, 300 pesos lang ang load nya. Aba akalain mong naging magastos sa load nung nakilala ako.
  13. Isa sa mga unang date namin (na sya ang nagparamdam para mag-date) e yung weird na mga lugar sa Ateneo – nakakita pa kami ng orange na mushroom na mukhang sign yata na aanakan nya ako.
  14. Sa Fil14 ko unang sinabi sa mga blockmates ko na gusto ko yung lalaking yun – yung hindi mukhang atenistang kaklase namin na tulog sa likod ng klase. Si Lam-Ang pa yata ang lecture nun. Berch AVR ang classroom nun na kapareho ng layout ng mga classrooms namin sa St. Paul.
  15. Sya yung unang lalaking sinabihan ko ng totoo. Pero shempre marami pa rin akong secrets.
  16. Sabi nya dati sa isa sa mga “date” namin e crush daw nya si some person na taga Sanggu pero pangit naman pero gusto raw nya kasi ewan ko sa kanya at nadurog ang puso ko ko nun. At ang ginawa ko e lalo ko pa syang niligawan (meaning pinakain  ng maraming Pizza Hut, Cravings, mga libreng inom na sa totoo lang e kakunchaba talaga ang Matanglawin, hinatid araw-araw kahit na lumalaklak ng gas yung kotse ko nun. Well at least hindi kasing mahal ng gasolina ngayon.) Wala nang mas sasarap pa sa pagmamahal ko sa kanya.
  17. Ikukuha nya ako ng talbos ng kamote sa labas ng bahay namin na tanim ni Lola para isawsaw sa kalamansi kasi healthy para sa baby daw yun, kahit na nasa kalagitnaan sya ng panonood ng news. (At shempre big deal yun kasi wala kaming dyaryo sa bahay)
  18. Pinagsisilbihan nya ako, umaga, tanghali, gabi, o madaling araw. *wink *wink
  19. Magtitipid sya nang sobra sa sarili nya para pag may biglang hingin ako, maibibigay nya. Tulad ng kasal.
  20. Pag nangako sya, totoo yun at hindi suntok sa buwan.
  21. Pogi sya. At mukhang na-realize lang nya na pogi sya nung kami na. Akala nya nagjojoke lang ako. Yung pari na nagkasal nga sa amin na weirdo e crush sya e.
  22. Wala kaming kahit anong magkaparehong interes, ang labo.
  23. 23 years old kami nung nagpakasal.

 

Wala na akong magawang trabaho kaiisip sa iyo, mahal ko. Tama na muna ito. (Well, #24. Hindi nagbabasa ng multiply o ng blog ko yun.)