Wednesday, November 19, 2008

One Week

Kung may isang Linggo ka na lang bago magkaroon ng totoong-nakalabas-na-sa-world na baby girl, heto ang mga payo ko sa iyo:

1. Uminom araw-araw hanggang sa super lasing na na masarap..para malakas ang loob. Yosi na rin para mas kumpleto ang package. Marlboro Lights. (pero yun nga, hindi naman pwede itong naiisip ko)

2. Magtapon ng mga papel-papel at kung anu-anong mga kalat na inaalikabok sa dami, dahil simula Grade School pa ako e sentimental ako, na pati yung quizzes ko nakatago lahat. Maglinis nang maglinis. (So the nesting instinct.)

3. Mag hoard ng diapers good for three months. (Na hindi naman advisable rin dahil depende sa baby kung magiging hiyang sya sa diaper) 

4. Marealize na nasa bandang dulo ka na talaga ng mga Preggy Books na gabi-gabi mong binabasa simula nung malaman mong nagbunga na ang pagmamahalan nyong mag-asawa. Tapos isipin mo kung sino na ang susunod na magbubuntis para ibibigay mo na ung mga preggy books mo. At ma excite para sa buntis na friend na yun.

5. Kumain nang kumain sa labas kasama ng asawang pogi, dahil hindi nyo na magagawang mag splurge sa mga susunod na buwan. Effort na kasi siguro umalis. Hindi na tulad ng dati na anytime e go! Kasi kailangan magdala na ng diaper, burp pads, milk, churva, churva, churva..

6. Pakinggan lahat ng mp3 na naipon sa computer sa mga huling araw sa opisinang pinapasukan. Tapos burahin na kasi naman ang dami dami na nila. At shempre i-file nang maayos lahat ng naipong mga work-work-an sa work simula 2006. Kausapin na rin ang boss kung may balak pa syang ipagawa sa iyo, tutal wala ka na namang silbi sa kanya.

7. Lagyan na, finally, ng decorations ang Christmas Tree na binili at itinayo nung September pa.

8. Makipagkwentuhan nang marami sa poging asawa, at mag-imagine ng mga magaganap sa susunod na buwan. (Kasama na rin dito yung mga masasalimuot na kwentuhang reality na magpapagatas at diaper na.)

9. Maglagay na sa bag, at idiretso na sa kotse, ang mga dadalahin sa ospital, in case maglabor nang mas maaga. In case lang naman dahil Scheduled Caesarian po tayo, anak ko. Ayun na rin, manood ng sandamakmak na youtube videos ng nanganganak ng Caesarian, yung walang blur ha. Yung talagang pinakikitang parang casual lang yung mga doktor habang hinihiwa ka sa balat at sa uterus, kinukuha yung baby sa loob at inaalog ka pa parang baboy, tapos ayun tatahiin ka two times yata. Mga dalawang oras na ito lang ang panoorin.

10. Tumanggap lang nang tumanggap ng lahat ng tulong na ibinibigay ng mga nasa paligid. At mas lalong mahalin ang mommy mo na never naman kayo naging close pero ngayon talagang mararamdaman mo na mahal ka nya. (Swear, hindi ka na makakapag gupit ng sarili mong kuko sa paa. At mamimiss mong hindi na makita ang ilalim ng tyan mo.)

11. Maningil na ng mga taong may utang sa iyo. At i-kebs ang mga pinagkakautangan, manganganak ka na e. Ikaw ang may kailangan.

Malapit na lumabas si Cecilia. Nararamdaman ko na. Kahit sabi sa Expected Date of Delivery e last week of December pa raw, basta.

Hindi man ako handa financially (dahil mabubuhay ako sa freebies ng asawa at pamilya ko), wala na akong ibang maisip ngayon kundi, mommy na ako. At baby, handa na kami ni tatay mo para sa iyo.

Friday, November 07, 2008

Easy Breakfast for Mike


Description:
24 October 2008
Friday
Breakfast

Ingredients:
Tocino-Ham
Scrambled Eggs
Garlic Rice
Milk
Banana

Directions:
Wake Up a few minutes earlier to prepare hubby's breakfast. Then go back to sleep.

Papaya + Veggie Salad + Yum Chicken + Rice + Mango Juice


Description:
29 October 2008
Wednesday
Dinner

Ingredients:
Papaya
Veggie Salad
Rice
Mango Juice

Chicken with veggies

Directions:
Spent the night watching PBA. At home.

At shempre hindi na ako maka-post dahil lately, Mike has been preparing our meals!

Wednesday, November 05, 2008

Things that change when you have a baby

1. You finally stop to smell the roses, because your baby is in your arms.

2. Where you once believed you were fearless, you now find yourself afraid.

3. The sacrifices you thought you made to have a child no longer seem like sacrifices.

4. You respect your body ... finally.

5. You respect your parents and love them in a new way.

6. You find that your baby's pain feels much worse than your own.

7. You believe once again in the things you believed in as a child.

8. You lose touch with the people in your life whom you should have banished years ago.

9. Your heart breaks much more easily.

10. You think of someone else 234,836,178,976 times a day.

11. Every day is a surprise.

12. Bodily functions are no longer repulsive. In fact, they please you. (Hooray for poop!)

13. You look at your baby in the mirror instead of yourself.

14. You become a morning person.

15. Your love becomes limitless, a superhuman power.