Friday, February 06, 2009

Cecilia’s Birth Story. More like, what happened to me December 10 to as far as I can remember.

 

 

December 10 Wednesday

 

Half-day si Mike sa Poveda. Naka-Yellow Polo sya nun, yung may kapareho siya na teacher. So yung mga sandamakmak na gamit na iniisip kong kailangan kong dalhin e nasa likod na ni City.

 

Dumaan muna kami sa Mercury Drug sa E. Rodriguez, kasi nakalimutan kong magdala ng water. 2 Wilkins na 1.5 L. Punta kami sa Admission, may Admission Slip na kasi kami. At shempre ang parating tanong ko e kung may dinner pa ba ako.

Admit kami ni Mike, wala kaming magawa, kundi mag-senti, kesyo bukas e tatlo na kami.. Last preggy pictures ko.

 

At nag fill out na rin kami ng Birth Certificate form nya, Regina Cecilia Berjamin Pante.

 

 

Maligo na raw ako, kumain ng dinner, at bawal na raw ako kumain or uminom by 11pm.

 

At shempre protesta ako dahil kung buntis ka e parati kang gutom at uhaw, lalo na sa 2 million times mong kailangan bumangon para magwiwi sa madaling araw. Binista ako ng residente ni Dr. Meguizo, at wala naman akong masyadong maraming tanong. May Pediatrician rin na nagtanong-tanong tungkol sa pagbubuntis ko.

 

December 11 Thursday

 

Mga 3am yata nagising ako para magwiwi. Tapos si Mike na kayakap kong matulog, hindi na bumalik sa tulog at naupo na lang sa tabi ko. Tapos umiyak ako, kasi ayun. Ewan kung bakit. Secret ko na yun. Hindi na natulog si Mike. 6am ginising ako ng Anaesthesiologist. Dr. Cortez, Pogi sya in all fairness talaga. First time kong nagwapuhan sa intsik. Sabi ko kung pwedeng pinakawala akong mararamdaman. At sinabi nya na sya na raw ang bahala sa pain. At talagang ang kulit ko na kung pwede lang na wala akong maramdaman kahit ano. Pinagbihis na ako ng labgown yata. Tapos binista ako ni Dr. Meguizo with her ever cheerful voice. At sabi nya e see you downstairs.

 

Si Mike e may mga admin matters na inasikaso pa, at sabi nya, basahin ko raw yung ginawa nyang sulat. Ginawa nya pala yun habang tulog ako, at hindi na nga sya natulog. Shempre iyak to the max naman ang drama ko habang wala si mike sa kwarto. Sobrang nakatulong yun ha – naramdaman kong mahal ako ng asawa ko. Napakadalang pa man din mag-express ng ka-chorvahan yang si Mike.

 

E di sinundo na ako ng mga nurse. Sabi ko wiwi lang ako. Tapos yung dalawang nurse e nag-turn over churva pa sa isa’t isa, na para akong trabaho na kailangan walang detalyeng maiiwanan. Anyway, nakahiga ako sa bed na may gulong at ayun dinala na ako dun sa Operating Room. On the way, may mga pinirmahan akong forms – labo nila, sa dami ng pinirmahan ko the night before at nung umaga e meron pa rin. Nadaanan ko rin yung labor room at recovery room. Kaloka yung feeling. Tapos nung nandun na sa operating room, aba, e parang wala lang sa kanila. May music pa, at parang nasa Faura lab lang ang itsura ng mga tao dun – na normal na sa kanila yung gagawin nila. Kasabay ko si Dr. Meguizo, ang OB nun. Tapos nakita ko uli yung pogi na Anesthesiologist na si Dr. Cortez na intsik, e di natuwa naman ako at sabi ko ayoko ng masakit kahit ano. True enough wala akong naramdaman simula nung sinabi nilang “Game”. Ang naaalala ko lang e ni-strap nila yung katawan ko sa table (yata) tapos pinatagilid ako (para yata sa epidural) tapos nun e twilight na.

 

 

“Baby out”, at yung iyak ni Cecilia.

 

 

At anong sabi ko?

“Paki-abot ng celphone ko, itetext ko si Mike na nanganak na ako.”

 

Ito pa:

“Gusto kong makita ang placenta ko, patingin”

 

to be continued…

No comments:

Post a Comment