Monday, March 28, 2011

You Turn My Whole World Upside Down

December 5 2010. Pan De Amerikana Restaurant in Katipunan QC. Ang sarap ng Everlasting. Weird customer service. -- Hindi nila kinaya ang volume, namali ng forecast -- namamali ba ang forecast e forecast nga. Kebs.

I started the year with a broken camera. It's the end of the first quarter - and I realized haven't accomplished anything yet. And I realized I don't have photos of myself -- just myself.

Forgot the I when we become an Us?

28 March 2011
Monday
8:00 AM

Monday, March 07, 2011

Refuse Refuse Refuse Reduce Reuse Recycle 1

This is our daughter Cecilia. She was born December 11. And I am crazy about her. (Taken inside City, on March 2, while waiting for Bob and Boyd buy alcohol.) She jumps whenever she's happy.


Refuse Refuse Refuse Reduce Reuse Recycle.

> Wala na kaming plastic sando bags sa bahay.
 
Pagkatapos ng halos tatlong taon dito sa bahay, linggo-linggong paggrocery at di pagtapon ng grocery plastic bags --dahil dito namin nilalagay yung basura -- ubos na silang lahat! Konti na lang na maliliit ang natira. Natuwa naman ako.
 
Nagtira ako ng plastic grocery bags ng Cherry, Hypermarket at Waltermart na ginagamit ko tuwing naggrocery.
 
 
Sa palengke naman, nagdadala ako ng sarili kong mga microwavable na lalagyan -- nung una nawiwirduhan sa akin yung mga tindera. At kadalasan, ipa-plastic pa nila bago ilagay sa lalagyan ko -- which defeats the purpose pero nasanay na rin sila.Maliit lang kasi yung talipapa dito na Super Palengke ang tawag, kaya kilala na rin nila ako siguro.
 
Oo shempre hindi talaga maiiwasan ang plastic ng iba pang mga bilihan, lalo na kapag hindi planado ang pagpunta, halimbawa, sa Mercury Drug, o sa Andoks Manok.
 
Bihira kami mag-mall, hindi ko kasi feel ang pagiikot sa mall.
 
Ngayon ang challenge e ang paghuhugas ng trashcan (dalawa lang naman sila sa bahay -- isa sa kusina at isa sa may banyo) at saka ang lalagyan ng basura sa labas. Dalawang beses isang linggo lang kasi ang collection ng basura dito.
 
May dream trashcan ako na nakita ko sa Handyman sa Waltermart last year. Sana nandun pa yun, at mabili namin pag nabili na namin yung mga naka-line up sa stuff to buy.
 
March 7 2011
Monday
7:28 am

Tuesday, March 01, 2011

Gusto ko ng Aso Ngayong Marso

Feb 27 2011. Kung two years ago, date sa isang restaurant, bookstore at kung anong love-thing ang pagkagagastusan namin ni Mike sa araw na ito, ngayong taon e yung apat na bagong gulong ng Honda City 2004 na lang. At Jollibee ni Cecilia. May pahabol pa palang Motolite delivery kinaumagahan.


Katatanggal ko lang ng Christmas Tree namin sa bahay. Simula Setyembre hanggang Pebrero nakatayo yun sa bahay namin. Bakit ba, e bahay ko ito at yun ang trip ko e. Hindi ko naman kailangan maging coherent.

1 March 2011
Monday
5:30PM