Monday, March 07, 2011

Refuse Refuse Refuse Reduce Reuse Recycle 1

This is our daughter Cecilia. She was born December 11. And I am crazy about her. (Taken inside City, on March 2, while waiting for Bob and Boyd buy alcohol.) She jumps whenever she's happy.


Refuse Refuse Refuse Reduce Reuse Recycle.

> Wala na kaming plastic sando bags sa bahay.
 
Pagkatapos ng halos tatlong taon dito sa bahay, linggo-linggong paggrocery at di pagtapon ng grocery plastic bags --dahil dito namin nilalagay yung basura -- ubos na silang lahat! Konti na lang na maliliit ang natira. Natuwa naman ako.
 
Nagtira ako ng plastic grocery bags ng Cherry, Hypermarket at Waltermart na ginagamit ko tuwing naggrocery.
 
 
Sa palengke naman, nagdadala ako ng sarili kong mga microwavable na lalagyan -- nung una nawiwirduhan sa akin yung mga tindera. At kadalasan, ipa-plastic pa nila bago ilagay sa lalagyan ko -- which defeats the purpose pero nasanay na rin sila.Maliit lang kasi yung talipapa dito na Super Palengke ang tawag, kaya kilala na rin nila ako siguro.
 
Oo shempre hindi talaga maiiwasan ang plastic ng iba pang mga bilihan, lalo na kapag hindi planado ang pagpunta, halimbawa, sa Mercury Drug, o sa Andoks Manok.
 
Bihira kami mag-mall, hindi ko kasi feel ang pagiikot sa mall.
 
Ngayon ang challenge e ang paghuhugas ng trashcan (dalawa lang naman sila sa bahay -- isa sa kusina at isa sa may banyo) at saka ang lalagyan ng basura sa labas. Dalawang beses isang linggo lang kasi ang collection ng basura dito.
 
May dream trashcan ako na nakita ko sa Handyman sa Waltermart last year. Sana nandun pa yun, at mabili namin pag nabili na namin yung mga naka-line up sa stuff to buy.
 
March 7 2011
Monday
7:28 am

No comments:

Post a Comment