Tuesday, September 30, 2008

Sulat

30 September 2008

Dear Michael Domingo Pante,

Sorry kasi kahit na alam kong Tuesdays at Fridays ang kuhanan ng basura sa atin, hindi lang isang beses kong nakalimutan ilabas yung basura natin.

Sorry kasi naubusan ka ng brief nung isang Linggo. Kaya nagboxer shorts ka na lang.

Sorry kasi kahit na half-asleep pa lang ako nung isang gabi (kagabi yata yun), at *niyayakap* mo ako, nagtuloy ako sa pagtulog at di kita pinansin kahit na bagong ligo ka.

Sorry kasi hindi na maliit ang waistline ko ngayon, e gustong gusto mo pa namang hinahawakan yun. Pati yung legs ko ipagsosorry ko na rin kasi dami akong itchy na hindi ko naman magalaw at malagyan ng kahit ano kasi bawal pa.

Sorry kasi wala naman akong maikwentong bago sa iyo sa tuwing sinusundo mo ako dito sa office. Office - bahay na lang kasi ako, tapos same people lang ang nakikita ko.

Sorry kasi ang tagal kong basahin yung Watermelon ni Marian Keyes. Hindi ko tuloy maumpisahan pa yung binigay mong A Year in High Heels ni Camilla Morton.

Sorry kasi hindi na ako nakakapagluto araw-araw, tulad nung mga nakalipas na buwan, parating bongga ang pagkain natin. Ngayon parang dorm food tayo.

Sorry kasi hindi ko na malinisan yung Car natin. Hindi ko na malabhan clothes natin.

Sorry kasi hindi ka rin naman makaalis madalas kasi nga mag-isa lang ako sa bahay kung aalis ka. E hindi mo naman ako iiwanan mag-isa kasi baka madulas kami ni baby tapos walang makakarinig sa amin, tapos dead na pala ako pagdating mo.

Sorry kasi nung isang beses na aalis ka, at papunta ka na yata doon, napauwi ka pa bigla kasi wala akong susi ng kwarto natin. At hindi ako makakawiwi dahil yung CR e nasa loob ng kwarto.

Sorry kasi hindi ko na maulit yung mga luto ko na gusto mo. Wala kasi akong recipe na sinusundan e.

Sorry kasi ang aga ko matulog, wala kang kausap hanggang sa sleeping time mo sa gabi.

Sorry kasi pinagbuhat kita ng Christmas Tree. Tapos kung anu-ano pang mabibigat na mga stuff ang pinabubuhat ko sa iyo. Yung refrigerator, yung laundry natin, yung mga books ko, yung kama natin, yung mga mabibigat na sofa ni lola.

Sorry kasi gusto ko pag nasa Pasig tayo, kasi baby ako doon at kain-tulog lang. Baka may iba ka pang gustong puntahan kasi.

Sorry kasi minsan napapakain kita ng Nestle. Tatandaan ko na ang Maggi ay Nestle product rin.

Sorry kasi secretly tinapon ko yung old underwear mo. Baka kasi maktia ng ibang girls, sabihin, wala tayong pambili ng underwear.

Sorry kasi hindi mo ako makausap tungkol sa mga sleepy history stuff mo. Tapos yun nga, hindi ka naman makaalis para makapagchikahan. Or inuman sa mga friends mo.

Sorry kasi mahilig ako uminom at magyosi dati. At ngayon parati ko sinasabi sa iyo na gusto kong mag Strong Ice pag pwede na.

Sorry rin kasi ugly na ako.

Sorry kasi mommy na ako. Pa-konti-konti, nagkakaroon na ako ng ugaling mommy. Malamang bored ka na sa akin kasi hindi na ako tulad ng dati na impulsive, fun parati at saka spontaneous.

Sorry kasi nag-uusap na tayo ng mga non-romantic stuff na kailangan pag-usapan tulad ng insurance, kotse at sweldo.

Sorry kasi kinailangan mong gawin yung tubig natin sa bahay, at naging plumber ka nang ilang linggo.

Sorry kasi kailangan mo akong isipin sa mga desisyon mo. Ngayon kaming dalawa na ni Cecilia e kailangan mo pang i-consider bago ka gumawa ng decision.

Sorry kasi hindi kita mabibigyan ng bonggang material na gift ngayong pasko.

Sorry kasi kinuha kita sa nanay mo. E like mo dun.

Sorry kasi nakikihati ako sa oras mo sa thesis. Tapos gusto mo pa tapusin agad kahit parati ka puyat kasi like mo sa Ateneo.

Sorry kasi malayo nilalakad mo simula Philcoa hanggang sa office para sunduin ako araw-araw.

Sorry kasi makalat ako.

Sorry kasi mahal kita. Tapos ganito lang ako. Tapos Pante na rin surname ko.

Love,

Desiree Berjamin - Pante

*at wala kang multiply kaya hindi mo mababasa ito*

No comments:

Post a Comment