Tuesday, September 09, 2008

Pregnancy Peeves

 

 

1.  Namimiss ko ang magyosi, lalo na sa mga pagkakataong todo sarap talaga ng kain ko, o pati dun sa mga bored moments ko na ang magagawa na lang e magyosi. Nakakaiyak ngang makakita ng mga bagong yosi na gusto ko talagang tikman, (pati yung mga small packs ng Marlboro, yung tig-lima lang yata) at shempre ang Marlboro Lights ko na ok lang kahit parati akong mabaho.

 

 

2.  Related to number 1, namimiss ko ang Strong Ice. Yung galing sa freezer, at masarap na kwentuhan. Pero kahit Strong Ice lang ok na yun. Pag natapos akong magbuntis e araw araw akong maglalasing.

 

 

3.  Hindi rin ako makapag-heels. Kaya sad ngayon lahat ng Dekay shoes ko sa Pasig. At mukhang wala akong balak dalhin sa bahay namin sa Project 8 kasi depressing for me. Ang pangit pa naman ng flats. (Pero anyway nagsusuot pa rin naman ako ng heels kahit na sa tuwing makikita ako ng mga matatanda e parang mahihimatay sila.)

 

 

4. Nagigising ako ng mga 3-4 times sa isang gabi, babangon, at wiwiwi. At hindi yan exaggeration. Tapos aabutin ka nang ilang oras bago makatulog uli. Hindi naman pwedeng uhawin ang sarili ko para lang hindi na ako magwiwi. Buti nga dito sa office may sarili kaming CR sa loob ng unit namin e.

 

 

 

5.  Sexy buntis daw ako pero shempre hindi ito forever. Darating rin ang araw na todo lolobo itong tyan ko, at hindi na mukha ko ang titignan ng kahit sino, kundi tyan ko na lang parati.

 

 

6.  Tinutubuan ako ng weird thingies sa balat. Ugly! Plus hindi naman pwedeng magpahid o uminom ng kung anu-ano para lang sa ikagaganda ng aking balat. At shempre magkakastrechmarks pa ako pag malaking malaki na tyan ko. Balitaan ko kayo pag meron na.

 

 

 

7.  Again, tinutubuan ako ng hair sa tummy. At hindi yun joke.

 

 

 

8.  Bawal ang NAPAKAraming bagay. Marami talaga. Pati ang mag-nail polish. Pati ang processed food. Pati ang pagtambay sa mga may nagyoyosi. Pati Iced Tea ha.

 

 

 

9.  Bibigyan ka ng hearty appetite, pero ang dami naming bawal na pagkain. Actually, mga “iwasan” lang daw – sweets, mga salty food, fatty food, processed food, junk food, raw food – e matabang na lang kaya ang kainin ko? Or wag na lang akong kumain??

 

 

 

10.  Pwede pa namin gumawa ng mga bagay na magdudulot ng pagbubuntis, pero shempre, dahil nga lumalaki na ang tummy, basta, once you get pregnant with husband, you’ll know.  

 

 

 

11. Mga boring gimmicks na lang ang nagagawa ko tulad ng pagmamall (na hindi ko naman hilig), panonood ng sine (na may online access naman ako para manood ng mga bago at lumang sine the whole day). At kailangang mga 9pm e sign off na ako at nasa bahay na.

 

 

 

12.  Parati akong pagod kahit na wala na nga akong silbi bilang tao.

 

 

 

13.  I have black pupu, weird smelling wiwi. Its because of the 72 million vitamins/medicines I’m taking.

 

 

 

14.  Oldies talk to you and give 99 thousand unsolicited advices. Wag daw kumain ng talong, wag magpapahakbang sa asawa sa kama, wag titingin sa pangit, wag kakain ng makopa, magsuot ng ganito pag ganitong oras, kumain ng ganitong dahon, at yung mga todo talaga sa wirdo na hindi ko na maalala kasi natawa lang ako.

 

 

 

 

Pero pag naramdaman mo nang sumipa sa loob ng tummy mo yung baby girl sa loob, ok na ang lahat at kebs. Para bang secret nyo lang dalawa ng baby yun. Kaya pala kahit na bad trip magbuntis physically, may mga kapatid tayo. Hindi natakot si Nanay natin na mabuntis uli. Ako ok lang sa akin na magbaby boy pa uli kami after ni baby girl.

No comments:

Post a Comment