Sa third trimester ng pagbubuntis, buntis na buntis ka na talaga nun. (pm mo na lang ako kung gusto mo ng detalyadong churva tungkol sa kung anong mangyayari sa iyo pag nabuntis ka). Ang dami ko sanang gustong ireklamo kaya ako nandito, pero naisip ko, mas marami pa rin akong blessings na natatanggap lalo na ngayon.
1. Pogi ang asawa ko. (Swear masarap tignan ang poging asawa.) Mabango pa. Matalino pa. 2. Maraming nag-aalok ng libreng laundry service. (Yun nga lang, kalat-kalat ang mga damit namin ngayon kung saan-saan)
3. I can wake up at 8am and be in the office at 8:30am. Hindi ko pa kailangan mag-commute. May Anthony Taberna pa ako na taga-gising, at sina Balasubas at Balahura na nagkkwento tuwing nagddrive ako.
4. Mike gives me backrubs every night -- sobrang kailangan ito! At parati ko naiisip na kawawa naman yung mga walang asawang nagbuntis. Wala silang mauutusan kumuha ng pagkain.
5. I have money to buy my lotions, creams and soaps.
6. Konti na lang makikita ko na ang face ng baby girl namin. Pina-practice na nya talaga ako na maging gising sa madaling araw sa kasisipa nya sa akin.
7. Marami kaming supply ng bigas. Marunong pang magsaing si Mike.
8. Bago yung bed namin na hinihigaan kaya hindi masyado masakit sa likod. (Pero masakit pa rin)
9. Sobrang healthy ng pagbubuntis ko. Never ako nagsuka, o nag-faint, o nag-spotting. At malandi pa rin kaming mag-asawa.
10. May insurance ako sa Van Breda.
11. Adik sa paglilinis ng bahay ang aking lola (ni Mike) at aking nanay (ni Mike) kaya sila na ang gumagawa ng paraan para malinisan yung bahay.
12. Inaalagaan ako ni Mike nang sobra. Pati sina Daddy, Mami, Ate. Kulang na lang huwag na nila ako pagalawin.
13. Marami akong preggy books. Sosyal pa yung OB ko.
14. Nakakanood ako ng mga latest na libreng sine at series dito sa office. Sobrang busy kasi dito e.
No comments:
Post a Comment