Tuesday, October 26, 2010

October 25 2010

1. Ang blog na ito

Hindi ko pinagiisipan ang sinusulat ko rito. Kung tutuusin, hindi ko nga alam kung saan papunta ito ngayon. Gusto ko lang magsulat ng kung anong pumasok sa isip ko, kaya kung naghahanap ka ng mababasang may katuturan, hindi ito yun.

Hindi ito yung may theme, o kunganuman, na ifafollow mo o pagbubuhusan ng panahon. Ito gustong gusto ko talagang binabasa. (Pero hindi naman ako madalas online, at mga nakaw na sandali lang ang pag iinternet ko sa bahay, dahil si Cecilia parati akong kinukulit)

nanayisms -- blog ng kaopisina ko dati. Hindi man kami naging close bilang tao, marami akong natutunan sa kanya noong panahon ng pagbbreastfeed ko kay Cecilia. At patuloy pa rin akong natututo.

Monday, October 25, 2010

October 25 2010

1. 500 pesos

Saan ba aabot ang 500 pesos? Ito, totoo na talagang matitipid ako at gagastos lang sa mga mahahalagang bagay:

12.50 Happy House Donut na Sprinkles sa tapat ng Aida's. Gustong gusto kasi ni Cecilia yung Sprinkles lang na topping.
5.00 Taho ni Cecilia kay Manong Taho
75.00 3 Kilong NFA Rice @ 25 php per kilo.
20.00 Sunday Inquirer, na hindi ko pa tapos basahin kahit na lunes na ng umaga ngayon. Yung nakaraang linggo, hindi ko rin natapos bahasin.
15.00 Meriendang French Fries sa tapat ng Simbahan ng ICP.
10.00 Meriendang Ice Scramble sa tapat ng ICP
20.00 Meriendang Siopao sa tapat ng ICP, kasama sina Cecilia at Mike
10.00 Watermelon kay Manong Watermelon Pinya Papaya
10.00 Papaya kay Manong Watermelon Pinya Papaya
10.00 4pcs Spanish Bread sa Bakery

2. Screwdriver

Nagpunta sina Kapi at Oshti sa bahay noong nakaraang Sabado (at noong nakalipas na Sabado rin e nandito sina Oshti, Charm at Mic) para magpalipas rin ng oras. Nakakatuwa na binibisita nila kami. At ang sarap ng pakiramdam nung hinirit ni Kapi na "I miss this family." Napaisip ako, oo nga, family na kami haha. Hindi ko kasi naiisip na sila Mike at Cecilia na ang pamilya ko.

Noong sabado, nagdala si Kapi ng Orange, at kung anu-ano pang mga inumin at ayun nalasing ako haha. Wala pa man rin si Yaya ni Cecilia kaya ayun sabog na naman ako. Pati ang bahay.

At kailangan na naming ayusin ang bahay para magins bisita friendly -- kahit naman alam kong hindi materyal na bagay ang dinadayo ng mga kaibigan namin dito sa Project 8.

3. Youtube Movies:

Binilihan na ni Mike ng sound card yung computer namin sa bahay, kaya nakakapanood na ako ng movies: Close to You, Bea Alonzo at John Lloyg Cruz
Part 1
http://www.youtube.com/watch?v=3UTZNArCl6U
Close to You Part 2
Close To You Part 3

--ayun nawala na yung mga links habang pinanonood ko..

4. Time Management

Ang dami kong ginagawa talaga. At marami pa akong gustong gawin. Naalala ko tuloy yung mga graphs sa Economics.

Monday, October 18, 2010

18 October 2010

1.Hello World

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang account ko na ito sa blogger, wordpress, livejournal, hellokitty.com at iba pang blog website. Maraming accounts na rin akong binura online. Di naman ako aasang ipagpapatuloy ko ito, tulad ng maraming bagay na inuumpisahan kong hindi ko pinagpapatuloy.

2. October 17

Unang taon ko itong walang "October 17". Apat na taon kasing kasama ako sa paghahanda para International Day for Overcoming Extreme Poverty. Sa susunod ko na lang ibabahagi kung anong meron dito. (At malamang e makakalimutan ko na rin naman ipagpatuloy.)

3. Potty Training

Unang araw kong puspusang iappa-potty train si Cecilia. Wala pa talaga ako gaanong nababasa tungkol rito, at syempre hindi ko maaaring idahilan yun para hindi umpisahan ang pag potty train kay Cecilia, lalo na't sa kanya na mismo nanggagaling ang mga senyas na handa na sya:

>Pilit na nyang tinatanggal ang diaper nya.
>Nakapagsasabi na sya ng "Wiwi ka" kapag nakatayo at nagwiwi na sya.
>Shempre, nakapaglalakad na si Cecilia at nakapagsasabi na ng mga simpleng salita para ipahayag ang gusto nya.

4. House Cats

May dalawang maliit na kuting dito sa bahay, mukhang iniwan ng nanay nila, o niligaw ng isang housewife na buwisit na sa pusa nila na anak nang anak. Kahit na mahilig si Cecilia sa pusa, ayokong mag-alaga ng pusa. Pero heto ako ngayon nag-iisip kung anong ipakakain sa kanila, kahit na ayokong kami ang maglinis ng poop nila..

Nagtingin ako sa PAWS na website, e ang sabi naman e hindi raw sila nag-aampon ng mga hayop. Sana may makilala akong pwedeng umampon sa mga pusang ito. Hindi sila special, pusang kalye lang sila.

5. Pagkain habang Day-Off si Yaya.

Naglinis ako ng kusina namin. Grabeng karumi kasi, ang tagal ko na rin kasing hindi nagluluto, at ayun, nakita ko yung mga kailangan ko nang itapon - mga microwavable na walang takip, mga kung anu-aong kung anu-ano.

Gustong gusto ko talaga kapag Day Off ang Yaya ni Cecilia kasi nagagawa kong alagaan ang mag-ama ko. At saka yung mga left over na mga pagkain galing sa isang linggong meal planning e nagagawan ko ng paraan para maging "ibang mea". Kahapon, Champorado ang almusal namin:

Champorado (October 17 2010 Breakfast)

1 cup ng bigas, Maharlika @40php per kilo
1 tablea ng cocoa, hindi ko na maaalala kung saan ko binili, baka nga Dipolog Days pa ito (Ikukuwento ko na lang sa susunod anong ibig sabihin nun)
4 cups ng tubig

>Pakuluan ang lahat, pag malapot na yung lugaw, ihalo ang tablea ng cocoa.

2 pirasong tuyo @10php 4pcs

>Prituhin sa Cooking Oil na used na ng ewan ko kung ano

*Good for isang kainan namin ni Mike.

6. Grooming

Virgin pa ang buhok ko. Hindi ito na-rebond, o relax o kahit anong hair treatment. Maraming dahilan kung bakit. Hindi ako naniniwala sa fake na buhok, kahit na madalas e naiinggit talaga ako sa straight hair ng mga taong nakikita ko. Wala akong tyagang maupo ng 8 oras sa parlor. Kung sa opisina nga, kailangan kong maglakad lakad e sa parlor pa kaya. At saka 10 minutes lang e kaya kong maligo at magbihis para umalis. Or less. Isa pa, kuripot ako.

Nagpagupit ako sa 50 pesos na pagupitan kanina sa may dulo ng street namin. Ikalawang beses ko na magpagupit doon. Subukan ko ngang magpagupit buwan buwan para naman hindi nanunuyo yung dulo ng buhok ko.

Huling beses kong nagpa Bikini Wax noong nakaraang linggo, October 10. Ito lang ang hilig kong alagaan. 250 pesos sa Lay Bare. Sana hindi ko rin makalimutan sa susunod na buwan para hindi masado masakit.

Susubukan ko rin asikasuhin ang kuko ko. Nung dalaga ako, talagang parating maayos ang kuko ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko na nabibigyang pansin ito ngayon. Makapag linis na nga ng kuko.

7. Consumption

Gusto kong i-track ang consumption namin ng tubig sa bahay. Tatlong 5 gallons ngayong araw. Mukhang magkakaroon na ako at madali akong ma-irate. Siguro dahil natututan ko na na may tinatawag na "Customer Service" na bahagi ng binabayaran mo, dagdag pa sa halaga ng item mismo. Ngunit kailangan ko lang rin parating isipin na wala namang pakialam yung kausap ko dahil wala namang dagdag sa sweldo nila kung Very Satisfied ka sa Customer Service nila o hindi.