Monday, October 25, 2010

October 25 2010

1. 500 pesos

Saan ba aabot ang 500 pesos? Ito, totoo na talagang matitipid ako at gagastos lang sa mga mahahalagang bagay:

12.50 Happy House Donut na Sprinkles sa tapat ng Aida's. Gustong gusto kasi ni Cecilia yung Sprinkles lang na topping.
5.00 Taho ni Cecilia kay Manong Taho
75.00 3 Kilong NFA Rice @ 25 php per kilo.
20.00 Sunday Inquirer, na hindi ko pa tapos basahin kahit na lunes na ng umaga ngayon. Yung nakaraang linggo, hindi ko rin natapos bahasin.
15.00 Meriendang French Fries sa tapat ng Simbahan ng ICP.
10.00 Meriendang Ice Scramble sa tapat ng ICP
20.00 Meriendang Siopao sa tapat ng ICP, kasama sina Cecilia at Mike
10.00 Watermelon kay Manong Watermelon Pinya Papaya
10.00 Papaya kay Manong Watermelon Pinya Papaya
10.00 4pcs Spanish Bread sa Bakery

2. Screwdriver

Nagpunta sina Kapi at Oshti sa bahay noong nakaraang Sabado (at noong nakalipas na Sabado rin e nandito sina Oshti, Charm at Mic) para magpalipas rin ng oras. Nakakatuwa na binibisita nila kami. At ang sarap ng pakiramdam nung hinirit ni Kapi na "I miss this family." Napaisip ako, oo nga, family na kami haha. Hindi ko kasi naiisip na sila Mike at Cecilia na ang pamilya ko.

Noong sabado, nagdala si Kapi ng Orange, at kung anu-ano pang mga inumin at ayun nalasing ako haha. Wala pa man rin si Yaya ni Cecilia kaya ayun sabog na naman ako. Pati ang bahay.

At kailangan na naming ayusin ang bahay para magins bisita friendly -- kahit naman alam kong hindi materyal na bagay ang dinadayo ng mga kaibigan namin dito sa Project 8.

3. Youtube Movies:

Binilihan na ni Mike ng sound card yung computer namin sa bahay, kaya nakakapanood na ako ng movies: Close to You, Bea Alonzo at John Lloyg Cruz
Part 1
http://www.youtube.com/watch?v=3UTZNArCl6U
Close to You Part 2
Close To You Part 3

--ayun nawala na yung mga links habang pinanonood ko..

4. Time Management

Ang dami kong ginagawa talaga. At marami pa akong gustong gawin. Naalala ko tuloy yung mga graphs sa Economics.

No comments:

Post a Comment