Monday, October 18, 2010

18 October 2010

1.Hello World

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang account ko na ito sa blogger, wordpress, livejournal, hellokitty.com at iba pang blog website. Maraming accounts na rin akong binura online. Di naman ako aasang ipagpapatuloy ko ito, tulad ng maraming bagay na inuumpisahan kong hindi ko pinagpapatuloy.

2. October 17

Unang taon ko itong walang "October 17". Apat na taon kasing kasama ako sa paghahanda para International Day for Overcoming Extreme Poverty. Sa susunod ko na lang ibabahagi kung anong meron dito. (At malamang e makakalimutan ko na rin naman ipagpatuloy.)

3. Potty Training

Unang araw kong puspusang iappa-potty train si Cecilia. Wala pa talaga ako gaanong nababasa tungkol rito, at syempre hindi ko maaaring idahilan yun para hindi umpisahan ang pag potty train kay Cecilia, lalo na't sa kanya na mismo nanggagaling ang mga senyas na handa na sya:

>Pilit na nyang tinatanggal ang diaper nya.
>Nakapagsasabi na sya ng "Wiwi ka" kapag nakatayo at nagwiwi na sya.
>Shempre, nakapaglalakad na si Cecilia at nakapagsasabi na ng mga simpleng salita para ipahayag ang gusto nya.

4. House Cats

May dalawang maliit na kuting dito sa bahay, mukhang iniwan ng nanay nila, o niligaw ng isang housewife na buwisit na sa pusa nila na anak nang anak. Kahit na mahilig si Cecilia sa pusa, ayokong mag-alaga ng pusa. Pero heto ako ngayon nag-iisip kung anong ipakakain sa kanila, kahit na ayokong kami ang maglinis ng poop nila..

Nagtingin ako sa PAWS na website, e ang sabi naman e hindi raw sila nag-aampon ng mga hayop. Sana may makilala akong pwedeng umampon sa mga pusang ito. Hindi sila special, pusang kalye lang sila.

5. Pagkain habang Day-Off si Yaya.

Naglinis ako ng kusina namin. Grabeng karumi kasi, ang tagal ko na rin kasing hindi nagluluto, at ayun, nakita ko yung mga kailangan ko nang itapon - mga microwavable na walang takip, mga kung anu-aong kung anu-ano.

Gustong gusto ko talaga kapag Day Off ang Yaya ni Cecilia kasi nagagawa kong alagaan ang mag-ama ko. At saka yung mga left over na mga pagkain galing sa isang linggong meal planning e nagagawan ko ng paraan para maging "ibang mea". Kahapon, Champorado ang almusal namin:

Champorado (October 17 2010 Breakfast)

1 cup ng bigas, Maharlika @40php per kilo
1 tablea ng cocoa, hindi ko na maaalala kung saan ko binili, baka nga Dipolog Days pa ito (Ikukuwento ko na lang sa susunod anong ibig sabihin nun)
4 cups ng tubig

>Pakuluan ang lahat, pag malapot na yung lugaw, ihalo ang tablea ng cocoa.

2 pirasong tuyo @10php 4pcs

>Prituhin sa Cooking Oil na used na ng ewan ko kung ano

*Good for isang kainan namin ni Mike.

6. Grooming

Virgin pa ang buhok ko. Hindi ito na-rebond, o relax o kahit anong hair treatment. Maraming dahilan kung bakit. Hindi ako naniniwala sa fake na buhok, kahit na madalas e naiinggit talaga ako sa straight hair ng mga taong nakikita ko. Wala akong tyagang maupo ng 8 oras sa parlor. Kung sa opisina nga, kailangan kong maglakad lakad e sa parlor pa kaya. At saka 10 minutes lang e kaya kong maligo at magbihis para umalis. Or less. Isa pa, kuripot ako.

Nagpagupit ako sa 50 pesos na pagupitan kanina sa may dulo ng street namin. Ikalawang beses ko na magpagupit doon. Subukan ko ngang magpagupit buwan buwan para naman hindi nanunuyo yung dulo ng buhok ko.

Huling beses kong nagpa Bikini Wax noong nakaraang linggo, October 10. Ito lang ang hilig kong alagaan. 250 pesos sa Lay Bare. Sana hindi ko rin makalimutan sa susunod na buwan para hindi masado masakit.

Susubukan ko rin asikasuhin ang kuko ko. Nung dalaga ako, talagang parating maayos ang kuko ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko na nabibigyang pansin ito ngayon. Makapag linis na nga ng kuko.

7. Consumption

Gusto kong i-track ang consumption namin ng tubig sa bahay. Tatlong 5 gallons ngayong araw. Mukhang magkakaroon na ako at madali akong ma-irate. Siguro dahil natututan ko na na may tinatawag na "Customer Service" na bahagi ng binabayaran mo, dagdag pa sa halaga ng item mismo. Ngunit kailangan ko lang rin parating isipin na wala namang pakialam yung kausap ko dahil wala namang dagdag sa sweldo nila kung Very Satisfied ka sa Customer Service nila o hindi.

No comments:

Post a Comment