s
Sa Tacsiyapo ito, Gerona, Tarlac. Isdaan ang pangalan ng kainan, at bukod sa magandang lugar na maganda talaga, kilala sila sa Wall na ito kung saan pwede kang bumili ng plato, 20-50php, baso, 10-30php at kahit na isang TV sa halagang 500php para ibato sa mga nakasulat sa pader, pag galit na galit ka na at kailangan mo ng release. O may gusto kang umbagin na hindi mo naman mapanindigan. Agosto 2008
Mahigit limang taon na kaming magkakilala ng asawa ko, halos tatlong taong kasal, nakabukod kasama ng isang yaya, isang kotse at si Cecilia na dalawang taong gulang na, pero ewan ko ba, hindi kami nag-aaway. Ewan ko kung nagagalit sya sa akin, pero ako hindi. Wala kaming Marriage encounter o kahit anong Christian churchy group na gumagabay sa amin, pero mukhang totoo yatang kapag mahal nyo ang isa't isa, parating may bigayan, parating napag-uusapan, at parating ang kapakanan ng isa't isa ang mamamayani.
Oo, may frustrations ako, may mga expectations na akala ko nung single pa ako at dreaming-dreaming pa ako ng bahay-bahayan-live-happily-ever-after-kemer na hindi naman pala nangyayari pag kasal na, pero lahat ng ito e ok lang dahil parating mas ok ang binibigay at nangyayari sa loob ng marriage na ito -- at yun e dahil rin sa extra effort ni Mike at sa akin rin.
Parating naaalala kong Love is a Decision, it's not a feeling, sabi ni Scott Peck sa Theo131.
You have to decide to love someone loveable. If you are single, I suggest you never force yourself into someone who cares less about you. By "care", I mean yung pang totoohanan. Hindi yung text lang o tawag o pang-college ligawan na "I care about you."
Mahigit limang taon na kaming magkakilala ng asawa ko, halos tatlong taong kasal, nakabukod kasama ng isang yaya, isang kotse at si Cecilia na dalawang taong gulang na, pero hindi pa rin ako nakararamdam ng pagsisisi na nagpakasal ako sa kanya.
5 January 2011
8:30 AM
Wednesday