Monday, January 31, 2011

Big Red Bus

Disyembre 2010. Isa sa mga gabing nakasakay ako sa Red Bus byaheng Novaliches sa EDSA.


Hindi ko pahihirapan ang sarili ko -- yan ang sabi ko bandang Disyembre -- patapos na ang taong 2010. Napagod talaga ako sa taong ito. May mga bagay akong ginawa na hindi ko inakalang kaya ko palang gawin. May mga mabubuti, may mga nakasama rin naman, may mga natutunan rin naman ako, at meron rin namang ayoko nang balikan. Basta napagod ako sa taong ito.

Isa na rin yung pagcocommute ko on a regular basis na never kong ginawa buong buhay ko. 2010 yung taon na nalaman ko ang pagkakaiba ng Cubao Ilalim sa Ibabaw (Fastlane), ng Ordinary na Bus sa de-Aircon, ng Bus na SM Fairview sa Malanday/UE Letre.

Nakaranas rin ako sa unang pagkakataon ng Inspector sa bus na ang ginagawa pala e tignan yung ticket na binigay ng kunduktor. Nakaranas na rin ako nung nagppreach ng Words of God, ng mga nagtitinda ng Dried Mangoes tapos may maliit na mala-calling card na nagsasabing para sa pampaaral raw nila yun.

Na-hold-up, nadukutan rin ako nang ilang beses sa isang taong pagcocommute. Nasiraan na rin ako ng shoes.

Hay. Bukas, hindi na ako magcocommute. Salamat, mahal ko.

31 January 2011
5:00PM
Monday

No comments:

Post a Comment