Thursday, September 25, 2008

Our Little Christmas Tree

Unang pasko na "magkasama" kami noong 2005. Yun yung panahon na pa-deny-deny pa kami na may certain, (at shempre yung mga pinaka-nakakakilig na moments --oo, nakakakilig yang si Mike na parang walang damdamin bilang tao) -- dito sa taong ito pinakamarami. Yun yung panahon na habang nagcecelebrate kami sa bahay (at sya sa kanila), nangangarap kami na "sana kasama ko sya ngayon".

Humingi ako ng Christmas Tree sa kanya nun. Sabi ko gusto ko yung malaki, yung mataas, yung, kahit na 3 by 3 lang ang bahay namin, at kalahati na ang ma-take up na space e malaking Christmas Tree ang gusto ko.

Nung Linggo, 95 Days before Christmas, naitayo na namin yung aming 7 feet na Christmas Tree sa bahay. (habang commercial sa panonood ng Ateneo-La Salle game)

Ganyan si Mike. Minsan lang mangako, pero tinutupad. Bakit walang decorations?? -->Ang baby girl namin ang magiging Decoration ng Pasko namin ng 2008.

No comments:

Post a Comment