Friday, December 08, 2006

Nagbura ako ng mga testimonials sa akin, yung mga happy birthday at yung mga glittery texts.. then I realized nawala na pala yung mga sinaunang testimonials sa akin!!! Anyway.. wala na akong magagawa doon!

Pakiramdam ko nagpunta ako sa kasal ng isang tao sa aking nakalipas..Kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam ko kung anong hindi ko nararamdaman pero hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, siguro, sa tagal na lang ng mga bagay-bagay, at siguro dahil hindi ko naman talaga napag-isipan ang mga desisyon ko noon.. (parang ngayon e pinag-iisipan ko na ang mga desisyon ko)Ngunit isang bagay ang sigurado ako: Masaya ako at mananatili ang mga masasayang alaala ko sa iyo. Tulad nga ng nasabi ko na sa mahal kong si Mike, I'm never over a person. Forever may puwang sa puso ko ang mga taong nakasama ko na.

Oo nga pala, may dalawang sugat ako: ang aking unang papercut at yung sa legs ko dahil sa paghahanap ng table para sa dorm. Kasi dormer na ako.

Excited akong makita si Mike. Pag nagkita kami hindi ko alam kung saan maguumpisa ng kwento.

No comments:

Post a Comment