Friday, December 15, 2006

Sinasabi ba talaga ang totoong dahilan kung bakit gusto mong makipagbreak sa isang karelashon?

Palagay ko hinde. Dahil unang una, hindi mo talaga alam kung bakit mo gusto makipagbreak. Nararamdaman mo lang yun. Parang yung pakiramdam kung bakit gusto mong maging kayo in the first place -- wala kang matukoy na iisang dahila kung bakit.

At sakaling mapunta ka sa isang sitwasyon na masasabi mong "gusto ko makipagbreak dahil....(at may masasabi ka sa loob ng parenthesis na ito)", palagay ko hindi ka talaga makikipagbreak nun dahil ayun na e. Natukoy mo na ang dahilan kaya naturally, makahahanap ng solusyon dyan. Communication, yan yata ang tawag dyan.

Alam ko ang dahilan pero ayokong sabihin. Ito kasi yung mga tipo ng bagay na kailangang tanggapin kasi package deal e. Isa lang binili (at niligawan) mo pero maraming hidden charges at hidden purchases ka na palang nagawa.

Kahit na sabihin sa akin na "hindi naman kasama yan e" -- oo alam ko pero sana ipakita mo sa akin na ganun -- o ewan ko, baka nga mas magandang yung package deal na yun. Ewan ko. Ewan ko..

O baka pagod lang talaga ko.

No comments:

Post a Comment