Monday, January 31, 2011

Big Better Burgers -- Katipunan, Quezon City

September 2010. Big Better Burgers Katipunan Quezon City

Adik si Cecilia sa Jollibee, kaya pag Sabado at ako ang masusunod, sinusubukan naming kumain sa mga kainang hindi pa namin nakakainan. E sa Katipunan pa lang, hindi ko na natupad yung "Kainan lahat ng kainan sa katipunan at abada bago ako mag-graduate."

At puyat na puyat ang hitsura naming mag-ina. Tulad nga ng nasabi ko na, napagod ako nung 2010 kaya magpapahinga ako ngayong 2011. Hindi na muna ako aalis sa comfort zone ko. Mamamalagi ako sa bahay -- ows..? 

Sa tapat ng Ateneo itong Big Better Burgers. At syempre pagkatapos e nag-take out rin kami ng Jollibee. 

Hindi ako food blogger kaya kung binabasa mo ito, wag kang aasa ng reviews. 

31 January 2011
9:30 AM
Monday 

No comments:

Post a Comment