Monday, January 31, 2011

Radial 6

It's the end of January 2011. And I promised myself one entry per day for this blog. I write and i take pictures not for anything else, but to make me remember. I am a very forgetful person.

9 January 2011. Along Aurora Blvd. Tish, asawang Rom, at Mando sa kabilang sasakyan.


Isa sa mga Radial Roads ng Metro Manila ang Aurora Blvd. (Hindi na ako nagtataka na intersado ako sa mga ganitong bagay dahil nagpakasal ako sa isang mahilig sa mga Mapa at Kasaysayan.) 

Radial 6 ang tawag dito. Simula ito sa may C-1 (Legarda) sa Sampaloc. Madadaanan yung University of Manila, Sampaloc Public Market, Arellano University at Sta. Catalina College. Magiging President Ramon Magsaysay Boulevard (na dating Santa Mesa Boulevard), at dadaan ng San Juan at Quezon City bilang Aurora Boulevard. Dito rin dumadaan ang LRT 2. Pagdating ng Marikina, Marcos Highway na, dadaanan ang SM City Marikina (ewan ko kung bakit kasama itong detalyeng ito dito). Aabot hanggang Antipolo, Rizal at Infanta, Quezon ang Radial 6 na daan.

31 January 2011
Monday
8:00 AM

No comments:

Post a Comment